Search
Test
- Ipe Soco
- Aug 24, 2017
- 1 min read
SUNDIN ANG PANUTO: Hawakan mo ang baril. Iputok mo. Takbo!
Ilang gabing pinaglamayan, Binalik-aralan ang mga natutunan. Ngunit ngayong gabi ng Miyerkukes Babagsak ka sa kamay ng mga pulis. Labing isa silang kakaladkad sa iyo Patungo sa kanilang impyerno.
Susumahin nila ang iyong pagkatao: Kalibre kwarenta y singko Dalawang pakete ng shabu Nanlaban, tumakbo.
Iimbestigahan ng mga kriminal Ang sarili nilang krimen. Dadalhin ang resulta sa Malacañang Ihahanay, isasalansan Labindalawang libong duguang Kaso ng Tokhang.
Recent Posts
See Allisnatcher holdaper akyat-bahay kidnaper carnaper hijacker mandurukot shoplifter bugaw-puta tulak-adik. kapit sa patalim kakampi...
Comments